18

Jan 13, 2022 @ 8:49
By

Hidilyn Diaz ‘di nakaligtas sa COVID

Maging si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ay hindi nakaligtas sa hagupit ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram story nitong Miyerkoles ng gabi ay ibinahagi ni Diaz ang balita na siya ay nagpositibo sa virus.

“Kahit ako po, nagpositive na… Ingat po tayong lahat,” pahayag ni Diaz kung saan pinost niya ang resulta ng COVID test.

“Magpalakas at sundin lahat ng health protocol,” dagdag pa ng weightlifter.

Hindi naman isinaad ni Diaz sa kanyang post kung siya ay may mild symptom lang o asymptomatic. (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?