28

Jul 30, 2021 @ 15:37
By

Hidilyn Diaz ‘di makapaniwala sa mga nakamit

Matapos ang kaniyang makasaysayang tagumpay at kabilaang mga incentive na natanggap mula sa gobyerno at mga pribadong kumpanya, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Pinay Olympian Hidilyn Diaz sa kaniyang mga nakamit.

“@hidilyndiaz 𝗗𝗶 𝗔𝗸𝗼 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮

Di ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa Olympics .
Di ako makapaniwala na matutuloy ang Olympics .
Di ako makapaniwala na nandito ang TeamHD.
Di ako makapaniwala na 𝗚𝗼𝗹𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 ako sa Olympics,” saad niya sa kaniyang Instagram post.

“Kung ako lang ito, di ko ito magagawa parang impossible. Salamat God sa pagdala ng mga tao, government support,private support, pamilya, kaibigan at prayer warriors para magawa ko ito at maging possible,” pagpapatuloy pa niya.

Bilang pagbati, nagkomento sa naturang IG post ang ilang big star sa showbiz tulad nina Toni Gonzaga, Eugene Domingo, at Grentchen Ho.

“&eugenedomingo_official Thank you!!! Mabuhay ka !!! 🏋️‍♀️🇵🇭🥇🙏🏼”

“@yazmin.aziz Congratulations! Extremely proud of you! You truly deserve all the success. Thank you for sacrificing everything you’ve been through for the Philippines. You’ve made more than an entire nation proud. God is Good, all the time ❤️”

“@deniseochoa Congratulations Hidilyn! So proud of you.”

Tinapos ng atleta ang kanyang post sa pag-iwan ng bible verse na: “Jesus looked at them and said, “with man this is impossible, but with God all things are possible. Matthew 19:26.”

Nito lamang Lunes, Hulyo 26, nang makamit ng 30–anyos weightlifter ang first ever Philippine Olympic gold medal matapos magawagi sa Weightlifting 55-kg category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?