16

Jul 19, 2021 @ 12:02

Hidilyn Diaz, Carlos Yulo nagkita sa Tokyo

Nagkadaupang-palad na ang dalawang pambato ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa Instagram post ni Hidilyn Diaz, kasama niya si Carlos Yulo na sasabak agad sa aksyon sa July 24.

“Sana mahaba ang usapan natin Champ,” caption ni Diaz.

“Goodluck sa laban mo sa July 24. Kaya mo yan. Please include Caloy in your prayers.”

Sina Diaz at Yulo ang mga matunog na Pinoy athlete na posibleng mag-uwi ng medalya para sa bansa.

Si Diaz ay nakasungkit ng silver medal sa 2016 Rio Olympics sa weightlifting event.

Habang si Yulo naman ay humakot na rin ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?