174

Jul 27, 2021 @ 20:11
By

Hidilyn Diaz bibigyan din ng bagong van

Tuloy ang pagbuhos ng biyaya kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Maliban sa limpak-limpak na pera, house and lot at condominium unit mula sa gobyerno at pribadong sektor, makakatanggap din si Diaz ng bagong van mula sa vehicle manufacturer na Foton.

Ayon sa Foton, bibigyan nila ng brand new TransVan 13-seater ang Pinay weightlifter dahil sa tagumpay sa Tokyo Olympics kung saan nasungkit niya ang unang gold medal ng Pilipinas sa kompetisyon.

Nasungkit ni Diaz ang gold medal sa women’s weightlifting 55-kg event noong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?