19
PSC walang pagkukulang kay Diaz
Jul 29, 2021 @ 20:58
By

Hidilyn balik sa pag-aaral

Matapos ang ilang taong pagsasakripisyo para mabigyang karangalan ang bansa, pagtutuunan ngayon ni Hidilyn Diaz ang kanyang pag-aaral.

Sa isang panayam ni Jessica Soho nitong Huwebes, sinabi ni Diaz na gusto niyang magkaroon ng oras sa pag-aaral na ipinagpaliban niya para makapagpokus sa Olympics.

2017 nakatanggap ng scholarship mula sa College of Saint Benilde si Diaz at may kursong business management.

Aniya, mas naging malawak ang kaalaman niya nang kunin ang business management course.

“Kasi siyempre sports lang ‘yung alam ko, then ang dami kong natutunan sa management part, law, taxes, and accounting,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?