11

Nov 3, 2021 @ 23:08
By

Hidilyn balik ensayo

Balik sa praktis si 2020+1 Tokyo Olympics women’s weightlifting 55kg gold medalist Hidilyn Diaz bilang paghahanda sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa susunod na buwan sa Central Asia.

Nitong nagdaang weekend bumalik sa Malaysia ang 30-anyos na dalagang sundalong barbelista mula sa Zamboanga upang magpalakas para sa torneong gaganapin sa Disyembre 7-17 sa Tashkent, Uzbekistan.

Sey ng national athlete nitong Miyerkoles via Instagram, “Back to basic. Back to #weightlifting. Back to Malaysia. Back to garage gym. Back to diet.”

Kasama ng Philippine Sports Commission ang Malaysia sa pinagkakautangan nang malaki ni Diaz sa tagumpay niya sa pagsungkit ng unang gold medal ng ‘Pinas sa Japan Summer Games noong July.

Taon din ang inabot ng kanyang training sa Muslim country.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?