52

Jul 29, 2021 @ 21:45
By

Hidilyn abangers na sa proposal ng BF

Handa nang maging misis si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Aniya, hinihintay na lamang niya ay ang yayain siyang pakasal ng kanyang coach boyfriend na si Julius Naranjo.

“Ako gusto kong magpakasal. Gusto ko. Pero siyempre hinihintay ko siya,” sambit ni Diaz sa panayam sa ANC.

Maliban sa pagiging conditioning coach ni Diaz, isa ring weightlifter si Naranjo.

Tatlong taon na ang relasyon nila at nagkakilala umano sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.

Noong Lunes tinapos ni Diaz ang 97 taong pagkadiyeta ng Pilipinas sa Olympic gold nang magreyna sa women’s 55 kilograms weightlifting competition sa Tokyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?