27

Sep 27, 2021 @ 17:11
By

‘Hesus’ nahuli matapos magnakaw ng alahas

Arestado ang isang “Hesus” kasama ang tatlo pa sa isang follow-up operation nitong Linggo sa Paco, Manila.

Tiklo si Hesus Paglalulan, 45-anyos, kasama sina Edgar Magat Lim, 44; Benjamin Veyra Ubaldo, 48; at Carmela Magat Lim, 47; na pawang mga residente rin ng Paco, matapos nilang looban ang isang bahay at nakawan ng alahas at salapi.

Nanloob umano ang apat noong Huwebes sa tahanan ng isang Elma Mendoza, kung saan tinangay nila ang mga alahas na nagkakahalaga ng P225,000 at salaping aabot sa P125,000.

Tagumpay naman ang mga pulis na mahuli ang apat sa isang follow-up operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,