37

Feb 15, 2020 @ 11:13
By

Herndon papapel na sa Aces

Magbabago ng direksiyon ang Alaska Aces umpisa sa papasok na 45th season ng PBA, mga young blood na ang sisimulang isagupa ni coach Jeff Cariaso.

Si Jeron Teng na ang magiging mukha ng team na isa sa winningest franchises ng liga.

Isa sa mga magiging importanteng support cast niya si Rob Herndon, dumating sa Aces kasama si Rodney Brondial nitong nakalipas na Governors Cup sa Chris Banchero trade sa Magnolia.

Patapos na ang season nang mapunta sa team si Herndon, nangapa sa una. Ngayon ay unti-unti na niyang nagagamay ang sistema.

“I would say now that I’m pretty much settled in,” anang 6-foot-3 Fil-Am swingman. “I know how the players play, and they know how I play so it’s a lot better now.”

At tanggap na rin ang bagong role, sa magkabilang dulo ng court.

“Coach Jeff told me that I’ll have a bigger role,” dagdag ni Herndon, 26, sixth pick overall ng GlobalPort noong 2017 bago pinamigay agad sa Hotshots. “But he just told me to play my game freely, shoot the ball, drive to the basket, create for others, and obviously play defense.”

Nang nasa Magnolia siya ay tumira ng 3s lang ang toka niya. Ngayon ay maipapakita ni Herndon ang iba pang aspeto ng laro – defense.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?