22

Jun 11, 2021 @ 19:54
By

Herd immunity namumuro sa Marikina

Posibleng maabot na ng Marikina City ang herd immunity sa loob ng 21 araw kung may sapat silang supply ng bakuna, ayon kay Mayor Marcelino Teodoro.

“Meron kaming facility. Meron na kaming mga doktor. May manning kami, but we need the supply of vaccines. Kung 10,000 [vaccinations] a day kami, siguro mga 21 days lang may herd immunity na kami,” saad ni Teodoro sa panayam sa Teleradyo ngayong Biyernes.

Noong Pebrero binuksan ang kanilang Mega Vaccination Facility sa Marikina Sports Complex na kayang tumanggap ng may 10,000 katao kada araw.

Dagdag ng alkalde, magreresulta ang pagbabakuna ng 10,000 katao kada araw ng 210,000 nabakunahan sa 21 araw.

Target nilang maturukan ang may 290,000 residente o 70 porsiyento ng kanilang populasyon para sa herd immunity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?