17

Jul 16, 2021 @ 17:34
By

Herd immunity malabo ngayong 2021 – eksperto

Malabong makamit ng bansa ang herd immunity ngayong taon, ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng Community Medicine Development Foundation.

Pinagbatayan ni Dr. Nisperos ang mababang bilang ng mga nabakunahan at kakulangan ng suplay ng bakuna sa bansa.

“Kung ganoon kakonti ‘yung nabakunahan at kung titingnan natin, malaking bahagi pa rin ng pumapasok na bakuna sa atin outside of Sinovac ay donations, paano natin mahahabol ‘yan?” paliwanag niya sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan” ngayong July 16.

Ayon sa kanya, sa kabila ng isyu ng mga taong takot magpabakuna, mas malaking problema ang kakulangan ng suplay ng bakuna.

Kaugnay nito, naglabas siya ng saloobin patungkol sa mga nasirang suplay ng Pfizer vaccines sa lungsod ng Muntinlupa.

“Hirap na hirap tayong kunin tapos sasayangin ng ganyan? Nasayang ba talaga ‘yan o may ginawang kalokohan?” aniya.

Dagdag niya, kailangang may managot sa nangyari dahil malaking kasalanan umano ito sa taumbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?