47

Aug 25, 2020 @ 15:44
By

Hepe sa North Cotabato town pinatay ng magnanakaw

Makaulit na pinagbabaril ng mga magnanakaw ang municipal police chief sa bayan ng Carmen sa North Cotabato kaninang umaga. Namatay ito.

Bago ito, pinatay ng mga armadong lalaki ang isang moneylender na pinagnakawan nila sa Sitio Tawan-Tawan sa town proper.

Kasama ng mga kapwa-pulis, hinahabol ng biktimang si Police Maj. Joan Resurrecion ang mga suspek nang siya ay barilin.

Matapos ang saglit na shootout, sinugod ang hepe sa kalapit na ospital kung saan siya dineklarang dead on arrival.

Pinaghahanap pa rin ang mga magnanakaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?