16

By

Hepe ng Zamboanga Police, sinibak dahil sa nakatakas na bilanggo

Sharing is caring!

Tinanggal na bilang hepe ng Zamboanga City Police Office si Supt. Hadjiri Langgal.

Kasunod ito ng pagkakatakas kahapon ng 16 na preso mula sa selda ng kanilang presinto.

Ayon kay Police Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng PNP Region 9, nadamay din sa pagkakasibak ang lahat ng pulis na naka-duty sa Tetuan Police Station nang maganap ang jailbreak.

Ililipat muna ang mga ito sa Zamboanga City Police Office Holding Unit habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa ngayon, sa 16 na presong nakatakas kahapon, 15 na ang naibalik sa kulungan habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?