61

Feb 27, 2021 @ 15:18
By

Hepe ng PDEA, PNP pinulong ni Duterte sa Malacañang

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga hepe ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa naganap na madugong shootout sa Quezon city.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinaliwanag ng Pangulo kina PNP Chief General Debold Sinas at PDEA Chief Wilkins Villanueva kung bakit inatasan niya ang National Bureau of Investigation na manguna sa imbestigasyon.

Nais aniya ng Pangulo na magkaroon ng patas na imbestigasyon sa insidente para maiwasan ang pagdududa sa publiko lalo na at parehong law enforcement agency ang sangkot sa madugong insidente.

“Gusto ng Presidente na magkaroon ng partial investigation para maiwasan ang malilikot na isip at para rin sa peace of mind ng mga biktima na patas ang imbestigasyon,” ani Roque.

Sa isang text message, sinabi naman ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na bumuo na sila ng composite team sa NBI na pangungunahan ni Deputy Director Antonio Pagatpat kasama ang mga ahente mula sa Investigation, Intelligence at Forensic Divisions.

“I requested that both the PDEA and the PNP be directed to extend their full cooperation to the NBI,” ani Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?