16

May 10, 2021 @ 13:00
By

Hepe ng One Hospital Command Center nag-sorry sa palyadong hotline

Humingi ng dispensa si Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega dahil sa sablay na serbisyo ng telephone hotline ng One Hospital Command Center nitong weekend.

Marami ang magrereklamo nitong weekend dahil walang sumasagot sa mga tawag sa mga telephone number na ibinigay ng One Hospital Command Center.

Sinabi ni Dr. Vega na siyang hepe ng One Hospital Command Center na sinisikap nilang mapaganda ang serbisyo para matugunan ang paghingi ng tulong ng publiko.

“Sorry talaga sa lahat ng hindi nakapasok ng call. Nagta-transition kami. Ito transition natin nag-iiba kami ng mga number. Meron kaming ilalabas na number ngayon na mas madaling tandaan,” ani Vega.

Aminado ang opisyal na mahirap maka-contact sa mga numero ng Smart at Globe at landline number dahil kapag ginagamit na ito ay puro ring na lang ang maririnig.

Ngayong nasa transition na aniya ang One Hospital Command Center ay maaaring gamitin muna ang 1555 para maka-connect sa customer center.

“Yung dati kasi naming numbers, Smart, Globe at saka yung landline ay napakahirap talaga i-contact dahil sometimes kung gagamitin mo sa call mo, ginagamit nila at nagri-ring kang ng nagri-ring so itong ginagawa namin nagta-transition na kami into sa hotline number na 1555,” dagdag ni Vega.

Sinabi ng opisyal na sinisikap nilang mapahusay ang serbisyo para sa mga nangangailangan ng tulong sa mga hospital kaya pansamantala ay gamitin muna ang numerong 1555 at kapag naayos na ang fixed line ay agad nila ito iaanunsiyo sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?