0
views
guillermo-eleazar
By

Hepe ng Muntinlupa Police, sinibak

Sharing is caring!

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na inalis na sa puwesto ang hepe ng Muntinlupa City Police matapos masangkot ang apat nitong tauhan sa robbery extortion.

Tinanggal umano sa puwesto si Senior Supt. Dionisio Bartolome matapos maaresto ang apat na pulis-Muntinlupa na sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez sa ikinasang entrapment operation ng tauhan ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO sa Muntinlupa City Police.

Ang mga ito ay pawang mga miyembro ng Intelligence at Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa Police.

Ayon sa report, nangikil umano ang mga pulis ng malaking halaga sa babaeng si alyas “Madam” na nahulihan umano nila ng iligal na droga nitong Huwebes.

Wala pang pahayag si Bartolome hinggil sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?