21

By

Hepe, 8 pang pulis sinibak sa Tisoy case

Sharing is caring!

Tinanggal ang hepe ng Quezon City Police District Station 9 at walo sa kanyang mga tauhan kaugnay sa pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argoncillo.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, bunga ito ng kabiguan nila na pigilan ang pambubugbog kay Tisoy ng mga kapwa nito detenido.

Dagdag pa nito, mahaharap sa mga kasong administratibo ang siyam at maaari silang masuspinde at matanggal sa serbisyo.

Giit ni Eleazar, lahat ng nakalap na ebidensiya ay magpapatunay na binugbog si Tisoy.

Taliwas ito sa unang pahayag ng Quezon City Police District na maaaring namatay si Tisoy dahil sa siksikang selda.

Nakulong si Tisoy dahil sa anti-tambay campaign na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?