20
henry

Henry Walker, tinapik ng Blackwater kapalit ni Famous

Sharing is caring!

Nganga pa rin sa panalo ang Blackwater Elite sa PBA Commissioner’s Cup.

Bunga nito, nagdesisyon na silang sipain si Jarrid Famous dahil sa 0-6 na record nila sa standings.

Tinapik nila si Henry Walker kapalit ni Famous.

Inanunsiyo ni Sheryl Reyes, ahente at kinatawan ni Walker sa Pilipinas, ang pagbabalik nito sa PBA.

“Hey Blackwater fans, he’s back,” sabi ni Reyes.

May higante mang performance si Famous sa 26.3 points, 18.3 rebounds at 1.5 blocks, hindi pa rin ito naging sapat para maiahon sa laylayan ng standings ang Elite.

Sunod na haharapin ng Blackwater ang NLEX Road Warriors sa Mayo 30 sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?