265

Dec 29, 2017 @ 15:45

Henry Walker, Justin Brownlee target ng Alab Pilipinas sa ABL

Target na mapabilang sa kampanya ng Tanduay-Alab Pilipinas sa Asean Basketball League (ABL) ang dalawang mahuhusay na imports sa nakaraang PBA Governors Cup.

Nais ng Alab na bumangon sa maalat na simula kung saan matatapos ang taon na may 1-3 silang record sa liga.

Sinuwerteng maka-1 sila ng panalo sa Formosa Dreamers ng Taiwan, 78-61.

Sinibak na bilang import si Reggie Okosa na planong ipalit ay si Henry Walker, na dating Boston Celtics at naglaro rin sa Blackwater Elite sa playoffs ng PBA’s season-ending conference noong Setyembre.

Ayon sa sources ng Spin.ph, may basbas na ng may-ari ng koponang Blackwater na si Dioceldo Sy ang planong pagtapik kay Walker sa Alab.

Plano rin nilang kumbinsihin na makasama sa koponan si Barangay Ginebra import Justin Brownlee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?