3,846

By

Henry Sy Sr. nakaburol sa The Heritage Park

Sharing is caring!

Yumao na ang pinakamayamang negosyante at philanthropist sa Pilipinas na si Henry Sy Sr. noong Enero 19, 2019.

Humihingi ng dasal ang pamilya Sy lalo na sa lahat ng natulungan ni Henry Sy Sr.

Ang kaniyang mga labi ay nakaburol sa The Heritage Park sa Taguig City simula ngayon Enero 20 hanggang sa Enero 23, Miyerkoles. Ang libing ay gaganapin sa Huwebes, Enero 24.

Si Henry Sy ang founder ng SM Group at chairman emeritus ng SM Prime Holdings Inc., SM Development Corporation, at Highlands Prime Inc., BDO Unibank Inc., at siya rin ang honorary chair of China Banking Corporation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: