382

By

Heneral na may one-star rank, posibleng kuning PNP chief

Isa umanong heneral na may one-star rank ang posibleng italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Philippine National Police (PNP) chief, ayon kay Senador Bong Go.

Ani Go, maaari umanong wala sa tatlong heneral na inirekomenda ni Interior Sec. Eduardo Año ang mapiling susunod na hepe ng pambansang pulisya.

Ang mga kandidato na nasa shortlist ni Año ay sina PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant General Camilo Cascolan at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar.

Nitong Biyernes, Nob. 8 pormal nang nagretiro si dating PNP chief Oscar Albayalde na nadawit sa isyu ng mga “ninja cop”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?