88

Sep 16, 2021 @ 21:20
By

‘Heneral Luna’ sa mga kupitero sa gobyerno: Maawa na kayo

May panawagan ang award-winning actor na si John Arcilla sa mga korap na government official.

“Sana’y magbago na ang mga opisyal ng ating bayan na napapabalitang kumupit ng bilyon bilyong halaga para sa kanilang kapakanan kaysa kapakanan ng mga kababayan nating nagugutom na at nangangamatay dahil sa pandemya,” tweet niya.

“Gamot po at hospital ang kailangan natin. Maawa na kayo.”

Hinangaan si Arcilla sa pagganap niya bilang Antonio Luna sa pelikulang “Heneral Luna”.

Nito lamang ay umukit siya ng kasaysayan nang manalong Best Actor sa 78th Venice Film Festival dahil sa mahusay na pagganap na journalist sa “On The Job: The Missing 8” ni Erik Matti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?