74

Oct 21, 2021 @ 17:34
By

Henares: Ping respetado, swak sa pagkapangulo

Ang pagiging respetadong public servant umano ni Senador Panfilo Lacson ang dahilan kung bakit siya ang nararapat maging pangulo sa 2022, ayon kay dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares.

“We need someone who can hit the ground running, who [has] a clear vision on what he/she wants to do, and [has] a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild),” pahayag ni Henares sa kanyang Facebook post.

Binalikan din ni Henares ang panahon na pinagkatiwalaan ni yumaong dating Pangulo Benigno Aquino III si Lacson na pangunahan ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

“It is clear he has a plan for governing. And this is the reason why I am supporting Ping Lacson. Furthermore, if PNoy thought Ping Lacson was worthy enough to help him during his administration, then I do not see why I should not consider him as my candidate,” wika pa ni Henares, na naging BIR commissioner sa administrasyong Aquino.

Buo ang tiwala ni Henares sa plataporma ni Lacson na nakasentro sa reporma sa pamahalaan at pangangalaga sa teritoryo.

“We need someone who is strong enough but who is statesmanlike to push back against China with regard to our sovereignty,” wika pa ni Henares.

Si Lacson ay tatakbong pangulo katambal ang isa pang beterano sa politika na si Senate President Tito Sotto. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?