183

Jun 14, 2019 @ 10:40
By ,

Helterbrand wala sa porma, muntik pang mag-triple-double

Gumana ang mahigpit na depensa sa huling segundo ng overtime para sa Imus Bandera kaya’t nagawa nitong manakaw ang 78-75 na panalo kontra Caloocan Supremos sa MPBL Lakan Cup, Huwebes ng gabi.

Dikdikan ang laban sa huling 12 segundo ng overtime nang lumamang ng dalawang puntos ang Bandera sa likod ng dalawang free throws ni James Martinez, 77-75, hanggang sa maging 78-75 ito sa charity shot ni Jayjay Helterbrand.

May tsansa pa sana ang Supremos na manakaw ang panalo o maipwersa ang isa pang overtime pero nagmintis ang tres nina Paul Sanga at Cederick Labing Isa.

Nanguna para sa Bandera ang bagong recruit na si Martinez na may 26 points, mula sa pitong tres, at talong rebounds habang paramdam naman si Helterbrand na may 14 markers at tig-walong rebounds at assists.

“Three weeks palang kami nag-eensayo, so kapaan pa talaga kung sino lang ‘yung mainit doon lang binigay yung bola [at] buti nag-step up ‘yung iba” sabi ni Martinez.

“It’s a great great experience, I’m still out of shape. This is my first game in a long time. It’s been a great experience, the fans here [in Caloocan] is amazing,” wika naman ni Helterbrand.

Nanguna naman para Caloocan si Almond Vosotros na tumapos ng 15 points at 10 rebounds habang may sahog naman 13 markers si AJ Mandani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?