99
Helterbrand nawiling maglaro para kay Jawo
Feb 25, 2019 @ 17:55
By

Helterbrand nawiling maglaro para kay Jawo

Matapos makasabak muli para sa Ginebra sa espesyal na pagkakataon, ikinuwento ni Jayjay Helterbrand na siya’y naging inspirado para maglaro sa legends ng koponan.

Sa artikulo ng Spin.ph, inilahad ni Helterbran na hindi umano niya dapat ibibigay ang 100-porsyento sa laro, ngunit ang mga karanasan ng greats ang nagbigay sa kanya ng lakas para tumapos ng may triple-double performance.

“I was pretty much in awe, trying to absorb everything. I didn’t really plan to play that hard. I came out there and I want to get that win for them,” ayon kay Helterbrand.

Lalong ginanahan si Jayjay nang maging coach ang mukha ng PBA na si Robert Jaworski, na sinabing may aura na nakapalibot sa isa sa pinaka-iconic na naging manlalaro sa liga.

“It’s just surreal. When he talks, there is an aura around him. I’m just listening to everything that he is saying. I can really see why he is such a fan favorite. Such a great coach and a great player. I can see the wisdom that he has with the game,” aniya pa.

Kaya naman hiling sana ni Helterbrand ay nakapaglaro siya para kay Jawo noong panahon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?