50

Sep 14, 2020 @ 21:33
By

Helterbrand ‘nangutang’ ng P5M kay Caguioa

Muling pinatunayan nina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand ang kanilang pagkakaibigan, sa loob at labas man ng court.

Sa Youtube video ng Rec.Create, sumalang ang tambalang ‘Fast and the Furious’ sa lie detector challenge kung saan kapag ‘nagsinungaling’ ay kailangan mag-shot ng Primera Light Brandy.


Dito naitanong ni Jayjay sa kanyang pakner na papaano raw kung dumating ang araw na maubusan siya ng pera, handa ba siyang pautangin ng P5 milyon ni Caguioa?

Mabilis ang naging tugon ni ‘The Spark’, kaagad na umoo sa napakalaking halaga.


“P5 million? That’s a lot! But I would though you know,” ayon kay Caguioa habang humahagalpak si Helterbrand.


Base sa lie detector test, hindi nagsisinungaling si Caguioa sa kanyang tugon, at nang matanong naman si Helterbrand kung siya ang handang magpautang, sabi nito ay kahit kidney niya ay ibibigay niya para sa matalik na kaibigan.


https://www.youtube.com/watch?v=L5VrLCoZnlk&ab_channel=Rec%E2%80%A2Create

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?