277

Oct 30, 2017 @ 19:04

Helterbrand nag-retiro na sa PBA

Matapos ang 17 taon sa PBA, pormal nang nagretiro ang tanyag ng guwardiya ng Ginebra Gin Kings na si Jayjay Helterbrand.

“That would be my last game as a player… but hopefully, I’ll still be around. Hopefully, I can have a spot as an assistant coach or something,” pahayag ni Helterbrand sa panayam sa CNN-Philippines.

Ginawa ni Heltebrand ang pahayag ilang araw matapos makuha nng Ginebra ang PBA Governor’s Cup crown nang pataubin ang Meralco Bolts noong Biyernes. Tinapos ng Gin Kings ang best of seven series, 4-3.

“This one one of my most special ones for me because it will probably my last as a player,” saad pa ng tinaguriang “The Fast” ng pinakasikat ng koponan sa PBA.

Aniya, naabisuhan na niya ang management hinggil sa kanyang desisyon na tapusin na ang kanyang makulay na PBA career.

Tinapos ang kanyang career na may anim na championships, isang Finals MVP, isang MVP award noong 2009, dalawang Best Player of the Conference awards, pitong All-Star selections, at dalawang Mythical First Team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?