32

Jan 18, 2020 @ 14:42
By

Helterbrand, Mercado, Manuel nakisaya sa Gins

Kahit hindi na miyembro ng Barangay Ginebra San Miguel ay pinadama pa rin ng mga dating kasapi nito na sina Sol Mercado, Jett Manuel at Jayjay Helterbrand ang suporta sa dating koponan.

Sa tweet ni Sol ay ‘brothers’ pa rin ang turing nito sa dating koponan kahit na nahiwalay na at natalo noong semis ang nilundagan nitong koponang NorthPort Batang Pier.

“Let’s gooooo!!! Congrats to my brothers on another CHAMPIONSHIP and @japethaguilar35 on the Finals MVP. Proud of u guys! #NSD,” tweet ni Sol (@M3rcyMyWords).

Maging ang nag-early retirement na si Jett Manuel (@_jettmanuel) ay natuwa rin, proud at nagpaabot ng pagbati sa buong barangay. “Congrats guys!!!!! Champs once again!!! So happy for my brothers and of course the whole barangay! #NSD.”

Hindi rin nagpahuli ang ex-former franchise player at dating pakner ni Mark ‘The Spark’ Caguioa na si Helterbrand sa paglahad ng papuri sa kanyang Instagram story.

“Champs!!!!!!!!!!!!! Congrats Ginebra!!!!,” caption ng former Ginebra veteran (@jayhelterbrand).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?