63

Jan 21, 2020 @ 8:37
By

Helterbrand masiba sa street food

Busog at laging nag-e-enjoy si dating PBA player Jayjay Helterbrand sa kinakainang ‘turo-turo stand’ nang maispatan itong lumantak ng lumpiang toge tapos ng training para sa Imus Bandera Khaleb Shawarma.

“Street food at its best,” caption ng dating Ginebra guard sa kanyang Instagram story gamit ang account na @jayhelterbrand nitong Lunes.

Sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup na siya kumakayod sa ngayon.

Naglaro ang 43-anyos na basketbolista sa nasabing PBA crowd darlings kung saan nagkamit ng anim na titulo at tig-isang season MVP at Finals MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?