170

By

Helterbrand kaya pang mag-triple double, Ginebra nilasing ang Purefoods

Pinatunayan ni ‘The Fast’ Jayjay Helterbrand na nararapat siyang mahilera sa mga legend ng Ginebra.

Sa ‘Return of the Rivals’ game ng Ginebra at Purefoods upang magbalik-tanaw sa pamosong rivalry ng liga, sumungkit ng triple-double ang 2009 PBA MVP.

21 points, 11 rebounds at 10 assists ang inilista ni Helterbrand para manguna sa 97-89 win ng kanyang koponan kontra Magnolia greats.

Itinanghal namang co-Pplayer of the Game ni Jayjay si Vince ‘The Prince’ Hizon na nagrehistro ng 19 puntos.

Sa third quarter humataw ang Ginebra, lumobo ang kalamangan sa 89-74 sa pagtatapos ng period.

Nakatuwang nila sina Marlou Aquino na may 15 points at walong boards, at Noli Locsin na sumikwat ng 14 markers ay siyam na rebounds.

Nasayang naman ang 27 ni Roger Yap para sa Purefoods, may tig-14 sina Paul Artadi at Tony Boy Espinosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?