15

Sep 19, 2020 @ 11:46
By

Helterbrand habulin ng chicks!

Binuko ni Mark Caguioa ang mga ‘technique’ ni Jayjay Helterbrand pagdating sa mga bebot.

Sa Youtube video ng Rec.Create, sumabak sa matinding lie detector challenge ang dalawang Ginebra legend.

Naitanong kay Caguioa kung sino sa kanilang dalawa ang mas habulin ng chicks, kung saan sinabi nito na mas lapitan ng mga babae si Helterbrand noon.

“Ano siya, medyo tahimik. Parang he acts like he doesn’t like the girl, but he does I know!” tugon ni Caguioa habang tumatawa.

“Before, long time ago kaya habulin ng chicks ‘yan,” aniya pa.

Sina Mark at Jayjay ay 17 taong nagsama sa Ginebra, kung saan nabuo ang ‘Fast and the Furious’ tandem na humakot ng anim na kampeonato sa PBA.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?