234

Nov 1, 2017 @ 10:02

Helterbrand ayaw pang mag-coach

Isasabit na ang jersey ni Jayjay Helterbrand sa pagbabalik ng PBA sa December 17.

Nasa tamang panahon ang pagpapaalam ng 41-year-old na si Helterbrand pagkatapos ng 17 seasons sa PBA, lahat sa Ginebra. Naka-anim na titulo at isang MVP award siya sa Gin Kings.

Kung susumahin kaya pa niyang maglaro at kaya pang makipagsabayan. Pero dama na ni Helterbrand na kung mananatili siya sa Ginebra ay magiging tagapanood na lang siya ng kanyang teammates.

Katunayan madalas na nakaupo lang si Helterbrand kumpara noong bata bata pa siya nung panahon nila ng kanyang best friend na si Mark Caguioa.

Ang tagumpay na title defense ng PBA Governors’ Cup na ang ‘last ride’ ng magkaibigang binansagang Fast and Furious.

Sa pagpapaalam ni Helterbrand, mara­ming nalungkot na Brgy. Ginebra fans. Higit ang avid followers ng Fil-Am guard, umiyak pa nga sila.

May offer daw si Mr. Ramon S. Ang, presidente ng SMC, kay Helterbrand na maging isa sa coaching staff ng Gin Kings. Pero tumanggi ito.

Gusto daw ni Jayjay na pasyalan muna ang pamilya at mga anak na babae sa States.

“I’ve had a great career. I have no regrets whatsoever,” pahayag ni Helterbrand nang basagin ang retirement sa CNN Philippines Sports Desk nitong Lunes. (Malou Manuel)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?