188
Helterbrand, Anderson mang-aakit ng mga fan
Jun 13, 2019 @ 16:23
By ,

Helterbrand, Anderson mang-aakit ng mga fan

Muli nang masasaksihan ang pagbabalik hardcourt ng tinaguriang ‘The Fast’ ng Philippine basketball na si Jayjay Helterbrand.

Ngayong Huwebes ng gabi ang pinakahihintay na debut ni Helterbrand sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup sa ilalim ng Imus Bandera at makakaharap nito ang Caloocan Supremos.

Para sa 2009 PBA Most Valuable Player, wala siyang inaasahan sa kanyang unang pagsalang sa MPBL kaya hindi rin siya masyadong magpapakasadsad sa laro.

“I’ve only practice one day tapos may game na agad. We’ll see what happens, I don’t really expect too much [and] I’m not trying to do too much,” sabi ni Helterbrand. “Just gonna get in shape, I’m not in shape yet but I’m gonna play hard and see what happens.”

Bukod sa paglalaro ni Helterbrand, inaabangan din ang pagtatambal nito sa celebrity baller na si Gerald Anderson, na tumalon mula Marikina patungong Imus.

Ayon kay Helterbrand, gagamitin nilang bentahe ang tambalang ito para mas makaakit ng mga fans na manuod at suportahan ang kanilang tropa dahil ito ang isa mga bumubuhay sa pinakamalaking amateur league sa bansa.

“I think we can bring a lot of supporters in the team which definitely helps because the fans are really ones that give us energy. I think will be able to draw some people to watch the game and I think it’s good for the league itself,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?