60

Sep 9, 2019 @ 12:50
By

Helper nagbenta ng P38K damo sa Pasig kalaboso

Inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit ang isang helper sa aktong pagbebenta ng dahon ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, Sabado ng gabi, Setyembre 7.

Nakilala ang suspek na si Noel Malaluan, 22-anyos na residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat na isinumite ng Pasig City Police sa Eastern Police District, inaresto si Penones na aktong nagtutulak ng marijuana bandang alas-otso ng gabi sa kahabaan ng R. Cruz St., Barangay Pinagbuhatan sa isang pulis na ka-transaksyon nito.

Nakumpiska mula sa suspek ang P300 buy-bust money at 113 sachet ng marijuana leaves na nagkakahalaga ng P38,000.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig City Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?