Helmet ng US hockey players, pinagdiskitahan sa Winter Olympics

Sharing is caring!

Pati helmet ng hockey players Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea, ay sinita ng International Olympic Committee.

Bago dumayo ng Games, pinag-isipan mabuti ni American women’s goalie Alex Rigby ang ilalagay sa kanyang helmet. Nagdesisyon siyang palagyan ito ng iconic image V-J Day kiss sa pagitan ng isang sundalo at isang nurse, at bald eagle sa kabilang side, at ang imahe ng Statue of Liberty sa bandang baba na lumalabas kapag medyo tumingala para harapin ang shooters.

Nitong Martes, gusto na itong ipatanggal ng IOC.

Sa report ng USA Today, nakikipag-ugnayan ang USA Hockey sa IOC para makumpirma kung kailangang alisin nina goalies Rigsby at Nicole Hensley ang Statue of Liberty sa kanilang masks.

May isang rule daw ang IOC na nagsasabi: “No item may feature the wording or lyrics from national anthems, motivational words, public/political messaging or slogans related to national identity.”

Malamang ay hindi kina-klasipika ng IOC ang “USA” sa jersey ng players bilang national identity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?