405

Sep 3, 2019 @ 20:25
By

‘Hello, Love, Goodbye’ umukit ng kasaysayan

Dahil sa laki ng kinita ng “Hello, Love, Goodbye” worldwide, nakagawa na ito ng kasaysayan sa bansa.

Matapos ang isang buwang pagpapalabas sa Philippine cinemas at gumugulong pa sa international screenings, tumabo na ang Alden Richards-Kathryn Bernardo movie ng kabuuang P880,603,490 worldwide earnings.

Ito na ngayon ang “highest grossing Filipino film of all time”.

Inanunsiyo ito sa ginanap na thanksgiving party nitong Martes para sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye”.

Nalagpasan na ng “Hello, Love, Goodbye” ang “The Hows of Us”, na sa ilalim din ng Star Cinema kung saan kapareha ni Kathryn ang real-life boyfriend niyang si Daniel Padilla, na kumita ng mahigit P800 million sa global gross.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?