3,670

Oct 16, 2019 @ 17:16
By

‘Hello, Love, Goodbye’ babangga sa sikat na Korean film

Mag-aagawan para sa ‘Best Asian Film’ ang highest grossing Pinoy movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ at ang Cannes Film Festival winner ‘Parasite’ sa Australian Academy of Cinema and Television Arts (AACTA).

Makakalaban din ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang tatlo pang pelikula mula India (Andhadhun, Gully Boy, Super Deluxe), tatlo rin mula China (Ne Zha, The Wandering Earth, Shadow), at We Are Little Zombies mula Japan.

Ang Parasite ni Bong Joon-Ho ang pinakamatinik na makakalaban ng Cathy Garcia-Molina, na naging unang South Korean thriller film na nagwagi ng top prize sa Cannes.

Sa Disyembre 4 ngayong taon malalaman kung sino ang magwawagi sa mga nominee, kung saan ang aktor na si Russell Crowe ay parte ng grand jury na pipili sa Best Asian Film.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?