hello-kitty

Hello Kitty bullet train ng Japan, bibiyahe na sa Hunyo

Sharing is caring!

Magsisimula na ang operasyon sa darating na Hunyo 30 ng Hello Kitty-themed na bullet train ng Japan.

Batay sa anunsiyo ng West Japan Railway Co., arawan ang biyahe ng high-speed, 500-series Shinkansen sa pagitan ng Shin-Osaka Station sa Osaka Prefecture at Hakata sa Fukuoka Prefecture.

Sa labas na disenyo ng tren makikita ang pink-ribbon, pati na si Hello Kitty sa mga pinto nito.

Kulay pink din ang sahig ng tren pati na ang armrests nito habang logo naman ni Hello Kitty ang nasa headrests nito.

May pagkakataon din ang mga pasahero na mag-selfie kasama ang higanteng Hello Kitty doll sa loob ng tren.

Layon umano nito na ma-promote ang turismo at mga produkto ng Japan.

Kaugnay nito, natapos na rin umano ng naturang railway company ang operasyon ng tren na inspired naman ng anime na “Evangelion”.

Kulay ube at berde naman ang kulay nito na hango sa EVA Unit-01 na siyang robot sa series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?