35

Aug 5, 2021 @ 15:28
By

Hello haters! Team USA pasok sa finals

Unti-unti ng nawawala ang haters ng Team USA lalo pa’t sinelyuhan ng koponan ang panibagong pag-martsa sa gold medal game nang pataubin ang Australia, 97-78 nitong Huwebes sa semifinals.

Bugbog sa umpisa ng laro ang mga Amerikano nang lumamang agad ng hanggang 15 points sa second quarter ang Australia.

Ngunit bago pa man matapos ang first half ay sinimulan na ni Kevin Durant ang ratsada ng team USA at naibaba ang lamang sa tatlo sa halftime.

Sa second half ay mas namuro pa ang mga Amerikano hanggang sa mabuo ang 48-14 run na siyang nagbaliktad sa takbo ng laban.

Tumapos si Durant ng may 23 points, habang 20 points naman ang inambag ni Devin Booker.

Malaking bagay din ang depensa ni Jrue Holiday, na pinosasan ang opensa ni Patty Mills na kumamada ng 15 points ngunit sa 5-of-14 na field goal shooting.

Hihintayin ng USA ang mananalo sa laban ng France at Slovenia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?