201

By

Helicopter ni Kobe madalas sakyan ni Kylie Jenner

Parokyanong pasahero umano si Kylie Jenner sa helicopter ni Kobe Bryant, na nag-crash kahapon sa Calabasas, California.

Nirentahan pa umano niya ang chopper para sa isa sa mga birthday celebration ni Dream Kardashian.

Sa kanyang Instagram story kagabi, Enero 27, pinagdasal ng 22-anyos na model-bilyonaryo ang siyam na pumanaw sa private chopper, kabilang ang mag-amang Kobe at Gigi, at si Ara Zabayan, na piloto nang mag-crash ang private chopper.

Nobyembre 2019 ang huling lipad ni Kylie na si Ara ang piloto, nang dalhin niya si Dream sa isang helicopter ride para sa ikatlong kaarawan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?