By

‘Heckler’ ni Duterte, inimbitahang bumisita sa Davao City

Sharing is caring!

Imbitadong pumasyal sa Davao City ang mga militante na nagsisigaw bago magtalumpati kaninang umaga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kawit, Cavite.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang makita ng mga taga-Luzon ang Davao City para makita ng mga ito at maintindihan ang kanyang ginawang pagsisikap na maayos ang peace and order sa lungsod.

Personal na inimbitahan ng Presidente si Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo para bumisita sa Davao City at isama ang mga militanteng nang-heckle sa kanya.

“I am inviting you officially. Let me know. Kung wala kang sakyan, do not hijack it, bawal ‘yan. Huwag mong agawin sa piloto ‘yung eroplano, hindi ‘yan sa iyo.

I want the mayor to organize. Nagpunta na man ‘yan sila. I want the mayor to organize something like ‘yung mga… Pati ‘yung… Saan ninyo dinala ‘yung nagsisigaw diyan? They are also invited,” anang Pangulo.

Tinatayang sampung militante ang biglang nagsisigaw bago magsimula ang talumpati ng Pangulo sa ika-120 selebrasyon ng araw ng kasarinlan kaninang umaga subalit isa lamang ang nahuli na kinilalang si Francis Couichie Rafael.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?