166

Nov 2, 2019 @ 12:59
By

Hebigat sa guard lineup! Banchero sa Magnolia, matunog

Mark Barroca, Paul Lee, Justin Melton, Jio Jalalon – Magnolia na marahil ang may pinakasiksik na backcourt rotation sa PBA.

At posible pa itong madadagdagan kung totoo ang trade rumors.

Niyanig ni Snow Badua ang social media matapos nitong ibunyag na sa Lunes daw ay may malakihang trade ang magaganap sa pagitan ng Magnolia at Alaska.

Bibitiwan ng Pambansang Manok sina Robbie Herndon at Rodney Brondial, habang ang star guard naman na si Chris Banchero ang kapalit.

Saad pa ni Snow na hindi na umano nagpapraktis si Banchero sa Alaska, nauna nang nabanggit ang parehong sitwasyon ni Brondial sa Magnolia.

Lalo pang nag-init ang trade rumor nang i-tweet ng PBA insider na si Nap Gutierrez (@dbuzzketball) na na-trade na raw si Banchero.

Samantala, sa report ng Spin.ph ay umiwas na magsalita ang Alaska coach na si Jeff Cariaso, sinabi na in-instruct siya ng management na huwag magsalita ukol sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?