8

Heavy rainfall warning itinaas sa Zambales, Bataan, Pampanga

Sharing is caring!

Naglabas kaninang umaga ang Pagasa ng heavy rainfall warning dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng Tropical Depression Ester.

Ang Yellow Warning Level ay itinaas sa Zambales, Bataan at Pampanga.

Sa naturang level, ang magkakaroon ng malakas na paglakas ng ulan na mau sukat na 7.5 hanggang 15 millimeter at tatagal ng isang oras o higit pa at magpapatauloy kada dalawang oras.

Magkakaron din ng pagbaha sa mababang lugar.

Samantala, magkakaroon ng ‘moderate with occasional heavy rains’ sa Tarlac at Nueva Ecija ngayong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?