194

Nov 28, 2021 @ 13:38
By

Heaven tinawag na sisiw ng netizen

Nawindang ang ilang netizen sa “22 rotation” na birthday caption ni Heaven Peralejo.

Hindi naman naiwasan ng ilan na okrayin ang caption ni Heaven dahil sa umano “trying-hard” ito maging witty.

Nitong kailan lang, nagdiwang ang aktres ng kaniyang ika-22 na kaarawan. Nag-post ito sa kaniyang Facebook page ng larawan sa dagat habang may hawak na champagne glass.

“22 rotations around the sun and cheers to more. Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming. Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!” caption ni Heaven.

Nag-comment naman ang isang tanyag na Journalist sa Cebu ng libreng science lesson kay Heaven.

“Day, the earth revolves around the sun; hence we have 365 and 1/4 days = 1 year. Rotation = earth rotates around its axis for 23 hours, 56 minutes, and 4 seconds (rounded off to 24 hours) = 1 day. Di ako expert pero natutunan ko to sa Science class in elementary and high school,” comment ni Cris Evert Lato.

Sinabi naman ni Mike Acebedo Lopez: “So you are approximately 22 days old?”

Tinawag din itong sisiw ng isang netizen: “Sisiw ka girl?”

Sa huli, in-edit ng aktres ang caption at pinasalamatan ang lahat ng nagtama sa kaniya.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=478895503601529&id=100044432499537

(Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?