33

Oct 26, 2021 @ 15:08
By

Heaven Peralejo: “I’m single, but not ready to mingle.”

Binasag na ni Heaven Peralejo ang katahimikan sa status ng kanyang relasyon kay Kiko Estrada.

Sa isang ‘Drink or Spill’ challenge na ipinalabas sa isang YouTube vlog kung saan kasama ni Heaven ang ilan niyang matatalik na kaibigan inamin ni Heaven na wala na sila ni Kiko.

“Oh my god… Okay! I’m single, but not ready to mingle,” aniya.

“Nandito ako sa phase na sobrang cliche but I’m just loving myself. I’m getting to know me. Ibang phase talaga ‘yon,” dugtong pa ng young actress.

“I don’t need any relationship. I just need my friends and I just need me. I’m really happy right now, super happy.”

Agosto 13 nang umamin sila Heaven at Kiko na sila na.

Ngunit nitong Setyembre ay umugong agad ang espekulasyon na wala na sila dahil sa pag-unfollow at pagbura ni Kiko sa mga larawan nila ni Heaven sa kanyang Instagram account.

Dalawang linggo lang din ang lumipas ay naka-unfollow na rin si Kiko kay Heaven. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?