81

Sep 9, 2021 @ 10:56
By

Heaven na ‘hit and run’ ni Kiko?

Tila pasimple nang inamin ni Heaven Peralejo sa publiko na wala na sila ng isang linggo niyang pag-ibig na si Kiko Estrada.

Ito ay matapos niyang magbigay ng mga sagot sa isang panayam na tila kagagaling lang sa breakup.

Nang tanungin kasi siya kaugnay sa tsismis na hiwalay na sila ni Kiko, “I guess it was a rollercoaster,” ang naging maintirigang sagot niya.

Aniya, kasalukuyan siyang nasa ‘self-love’ phase.

“Right now, I’m in the phase of loving myself. No joke. Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations,” anang aktres.

“They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way,” dagdag pa iya.

Matatandaang nito lang nakalipas na buwan nang aminin ng dalawa na mag-on na sila sa kabila ng tsismis na ang aktres ang dahilan ng hiwalayan noon ni Devon Seron at ng aktor.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/kiko-sinimot-ig-break-up-kay-heaven-hinala-ng-netizens/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?