371

Nov 26, 2021 @ 18:36
By

Heaven, Kimpoy magdyowa na?

Viral ang mga larawan nina Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo habang nasa beach.

Ito ay matapos lantarang mag-post si Kimpoy ng birthday message para kay Heaven.

“Happy Birthday to this beautiful soul. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise,” sey ni Kimpoy, kung saan itinag pa niya si Heaven.

Nag-22 years old si Heaven noong November 25.

Noong October kinumpirma ni Heaven na break na sila ni Kiko Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?