18

By

Heather Locklear arestado sa pananakit ng pulis

Sharing is caring!

Muling pinasok sa rehab ang Hollywood actress na si Heather Locklear. Pagkatapos na maaresto at mapiyansahan, the next day ay muling inaresto ang aktres dahil sa pananakit nito sa isang police officer at isang emergency personnel.

Ayon sa report ng Ventura County Sherriff’s Office, extremely intoxicated daw ang 56-year-old actress nang puntahan ito sa kanyang bahay pagkatapos silang makatanggap ng isang 911 call.

Pagkatapos siyang patawan ng second charge, nakapag-bail ang aktres sa halagang $20,000.

Pinasok na si Locklear sa isang rehab for alcohol abuse and mental health issue treatment. Hindi nagbigay ng comment ang 20-year-old daughter ni Locklear na si Ava Sambora tungkol sa pag-aresto at pagpapa-rehab ng kanyang ina.

Ang next court hearing ni Locklear ay sa Aug. 23, 2018. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?