30
miami-heat
Apr 4, 2018 @ 13:13
By

Heat nakaselyo ng playoff spot

Pinatunayan ni Hassan Whiteside na may sapat siyang dahilan para magreklamo sa kakulangan ng oras sa paglalaro na binigay sa kanya sa pagkatalo ng Heat laban sa Brooklyn Nets.

Sa pamamagitan ng tip-in niya sa minuto na lang na nalalabi sa laro ay naiabante niya ang Miami.

Blinangka pa ni Josh Richardson ang go-ahead shot sa panig ng Atlanta Hawks para mahawakan ang ika-20 nilang pagsampa sa playoff spot sa 30 seasons, 101-98, nitong Martes (Miyerkoles, oras sa Pinas).

Naiiwan ang Heat, 98-90, tatlong minuto na lang ang natitira sa regulasyon, pero tinapos nila ang laro sa pagpapakawala ng 11-0 run.

Lumamang ang Miami sa 3-pointer ni Tyler Johnson na dinagdagan pa ng tipped in ni Whiteside sa mintis ni Richardson sa sumunod na posesyon.

May tsansa sana ang Atlanta na makuha ang kalamangan sa 10-footer ni Damion Lee pero natapal siya ni Richardson at nakontrol na ng Heat ang rebound.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?