40

Jul 1, 2020 @ 16:49
By

Heart walang plano sa politika

Walang balak sumunod sa yapak ng kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero si Heart Evangelista.

Sa kanyang Twitter sinagot ni Heart ang pasaring ng isang netizen na nag-repost ng mga litrato niya na tinutulungan ang isang matandang babae.

“Hoping Heart Evangelista won’t enter politics,” caption doon ng netizen.

Sinagot ito ni Heart at sinabing kaya naman niyang tumulong na hindi na kailangang magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

“Politics is not for me. I can help without that kind of power.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?